GforCERS

Generation for Christ, Everlasting Redeemer and Savior

This is the themes of our very first Evangelistic youth camp held at Wilma’s Garden Resort, Florida Blanca Pampanga on April 10 to 12 2013.
Nagsimula kami sa wala. Ang camp na ito isa lamang na pangarap. 2011 ng una kaming nagtangka sa bumuo ng sarili naming Youth Camp kasama ang mga kabataang namumuno sa aming Iglesya. Sa unang subok nabigo kami. Masyadng malaki ang gastos at hindi namin naabot ang aming target. masakit man ngunit kailangang tanggapin. Maaring ang iba ay madali itong natanggap ngunit hindi ako. Matagal ko itong dinamdam.  Isang malaking kahihiyan ito para sa akin. Humantong ito sa pagkakataong nagduda na ako sa aking kakayahan. Naduda ako sa aking kakayanan bilang isang pinuno. Masyado ba akong naging padalos dalos? naging mayabang? nagmamadali? Ngunit ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagdudahan ko ang aking pananampalataya. Wala ba akong pananampalataya o kulang pa? Iyan ang mga tanong ko sa aking sarili. Mula noon nawalan na ko ng lakas ng loob na magplano pa ng ganitong gawain. Masado akong naging duwag na muli pa itong maulit.
New Hope
Isang araw muling naming napag-usapan ang pagpaplano ng Youth camp. Noong una aamiin ko na masyado akong negatibo dito sa pagkat marahil na din sa unang pagkabigo. Sa pagkakataong Hindi na ako nag-iisa, Kasama na namin Si Ptr. Jonel. Malakas ang kanyang loob at desidido na i-push ang gawaing ito. A New hope is burning. Nagsimula kaming magplano mula sa wala. Wala kaming inaasahang suporta mula kaninuman. Hindi namin alam kung saan magmumula ang mga panggastos. Lumipas ang ilang buwan at mga araw panalangin ang aming puhunan. Dama ko ang pressure at takot ngunit sa tuwing titingnan ko si Jonel dama ko ang kapayapaan. Walang bakas ng pangamba at takot ang kanyang mukha. Sigurado siya sa kanyang ginagawa. Muli kong tinanong ang aking sarili, “Bakit hindi siya nakakaramda ng pangamba?” ”Edison, nasaan ang iyong pananampalataya? hindi ba yan ang iyong itinuturo? Bakit abot langit ang iyong mga alalahanin at takot?” Tanong na napakasakit na marinig lalo na’t nag mula sa aking sarili. Nang mga oras na iyon hiyang-hiya ako sa aking sarili na maging sa salamin ay hindi makatingin. Ngunit alam ko na may itinuturo sa akin ang Panginoon. January 2013, mahigit tatlong buwan bago ang nasabing camp nagsisimula pa lang kaming mag-solicit . Wala pang pera, wala pang sasakyan at wala pang venue. Nang mga oras na ito muli akong nakadama ng takot ngunit panandalian lamang ito. Sa tulong Panginoon tinuruan niya akong magtiwala. Magtiwala sa kanya at magtiwala sa aming tagapanguna. Very possitive ako ng mga panahon na ito. Hipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-alala ngunit taas noo kong sasabihin na nahigitan ng aking pagtitiwala sa Diyos ang mga pag-aalala at pagdududa.
All is well!
Ang linyang ito ay nag mula sa isang very inspiring na pelikula na three Idiots. Ngunit napakasarap na bangitin tuwing maalala ko ang kabutihan at saganang habag ng Diyos.  In the span of three months nakita ko kung paano ipinagkaloob ng Panginoon ang aming mga pangangailangan. Nagmula sa transportation. JTOURS, sila ang nagkaloob ng aming sasakyan. Hindi na kami nahirapan sa negosasyon. Hindi man namin sinasadya ngunit ang Panginoon ang nagkaloob ng sasakyan. ang crew at ang may-ari ay aming kapatd sa pananampalataya. Ganoon din ang nangyari sa Venue. Wilma’s Garden Resort, Isang private resort na pagmamay-ari ni ng pamilya ni Sis. Wilma na kapatid rin sa pananampalataya. Unti-unting  nag-provide ang Diyos ng aming pangangailangan. Hindi naging madali ang lahat. HIndi maiiwasan ang aberya, katunayan ng gabi bago ang mismong araw ng Camp ay nag karoon pa ng aberya ngunit salamat sa habag ng Diyos! kumilos Siya at hind niya kami pinabayaan hanggang sa matapos ang Camp. All is well!
Broken hearts and Broken Spirits
Hindi naging madali ang lahat. Gaano man kamukhang smooth and easy ang mga pangyayari. We suffered a lot of heart breaks. Hindi madaling maging kabataan. maraming humahamak sa iyong kakayahan. Hindi man nila ito sinasadya ngunit naapektuhan at nasasaktan ka. Sabi nga ng isang awitin, “Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo Yan ang totoo..” Hindi naman ako againts sa katotohanang ito. Ngunit naniniwala rin ako na everyone deserve a chance. A chance to prove and discover their capabilities.The Bible even says, “Don’t let anyone look down on you because you young..” (2 Tim 4;12) Hindi pa pwede hayaan nyo kaming dumiskarte? Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang kakahayan upang mag-survive. Hindi tayo pare-parehas. Ang mga bagay na epiktibo sayo ay maaring hindi epiktibo sa akin o sa iba. Kaya’t hindi ba marapat lang naman na bigyan ng chance ang bawat isa upang makakilos sa kanyang sariling pamamaraan ng malinis at walang nasasagasaang tao. Hindi ko naman ini-isang tabi ang kaalaman at ang mga experiences ng mga nakakatanda sa akin. Ngunit sana hindi kayo maging pushy. Bukas naman ang aming puso at isipan sa inyong mga ideas at suhisyon ngunit hindi ito dapat na ipagpilitan. Kapag nag-atas ka ng gawain sa isang tao kasabay dapat nito ang tiwala. Tiwala na kaya niya itong gawin. Hindi ako naglalabas ng sama ng loob.Masakit lang isipin na kung sino pa yung mga tao na akala mo ay magbibigay sayo ng words of encouragement at mag chi-cheer sayo ay sila pa itong magbibigay ng pasakit, heartaches, pagdududa at alalahanin. Higit sa lahat sila pa itong magdududa sa iyong kakayahan. Kay hirap talagang maging kabataan.
YOUR Grace is enough!
Maraming mang pagsubok ang ang pinagdaan. Halo-halong emosyon man ang aming naramdaman ang higit na mahalaga ay ang katagumapayan ng gawain ng Panginoon. Total of 72 swith 14 Staffs ang nakasama sa camp na ito. Your Grace is enough Lord! Sapat upang kami ay magpatuloy at magtiwala sa iyo. Sapat upang paglingkuran ka gaano man kalaki ang pagsubok. Wala akong pinagsisisihan. Hindi rin kami nagrereklamo sa hirap na aming dinanas sa pagkat alam namin na may plano ang Panginoon. May itinuturo siya at inihahanda niya kami sa masmalaki at mas mahirap pang mga ministry. Hindi namin ito ginagawa para sa aming mga sarili kaya wala kaming karapan na magreklamo. Ang lahat ng ito ay volunteer works hindi kami naghahangad ng papuri o anumang gantimpala. Kahit na kapalit ito ay aming lakas, kalusugan, oras at panahon at maging aming kayaman.
Sa lahat ng aming pinagdaanan ang tanging hangad lamang namin ay mabigyan ng kaluwalhatiaan ang iyong pangalan Panginoong Hesus.
To GOD be ALL the GLORY, HONOR and PRAISE!

Post a Comment

0 Comments