Sa tuwing tatanungin ko ang ang aking sarili, walang payak na salita na sumasagi sa aking isip.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinamirami ng tao sa buong mundo ay sa iyo nabighani itong aking puso.
Mula ng una tayong nagkausap at sa unang pagtatagpo alam ko na magiging bahagi ka ng buhay ko.
Kung sa anong paraan o kadahilanan hindi ko na inalam.
Minsan mo akong tinanong kung bakit kita gusto.
Ito yung panahon na sa unang beses nagkalakas ako ng loob na umamin sayo.
Sa pagkakataong iyon nagblanko ang isip ko.
Ang nasabi ko na lang "gusto ko ang lahat sayo".
Sapagkat iyon naman ang totoo.
Gusto ko ang pagiging komedyante mo.
Gusto ko ang pagiging mabait mo.
Gusto ko ang pagiging pabebe mo.
Gusto ko ang mga bagay na minsan ay kinaiinisan ng ibang tao sayo.
Hindi ko sinasabing perpekto ka sa paningin ko,
sadyang ikaw lang ang tinibok nitong puso ko.
Habang tumatagal at nakikilala kita parang lalong hindi ko kaya na sayo ay mahiwalay pa.
Masaya ako kapag kasama kita.
May kakaibang pwersa ang hatid mo sa akin sa twina.
Kilig at kakaibang kaligayan aking nadarama na ni minsan ay hindi ko naranasan sa iba.
Tuwing kapiling ka, mundo ko ay nagkakaroon ng kakaibang buhay at sigla.
Lahat ng pagod, sakit at pangamba ay napapawi at naglalahong parang bula.
Sa tabi mo tiwasay ang aking diwa.
Basta nariyan ka tila kaya ko ang lahat.
Gaano man ka sakit at hirap ang dapat pagdaanan alam kong magagawa.
Mahal kita, ito ay pawang katotohanan at walang duda.
Alam ko naman na mula pa sa umpisa ay wala akong pag-asa
Kaya mas pinili kong makuntento sa pagiging kaibigan na lamang.
Kaibigang handang gawin ang lahat maging masaya ka lang.
Nakahandang paglingkuran ka hanggang sa abot ng aking makakaya.
Mistulang alipin na di mo man batid.
Maiparamdam ko lang sa iyo kung gaano ka kahalaga.
Sa tuwing natutulog ka palihim kong pinagmamasdam ang iyong maamong mukha.
Hindi rin mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Ipinagdarasal ko na muli sana akong makaranas ng himala.
Na sa pagmulat ng iyong mga mata at ako ang una mong makita,
ako na rin sana ang hanapin ng puso mong nangungulila.
Alam kong isa akong malaking TANGA.
Nananaginip ng gising sa isang pangarap na malabong makuha.
Ako ang dahilan kung bakit ako ngayon ay nasasaktan.
Minsan na akong pinaalalahanan na itigil na ang aking kahibangan.
Ngunit tigas ng ulo ang aking pinairal.
Pinili ko sundin ang tibok ng aking puso kaysa sa udyok ng isipan.
Ang lagi kong dahilan,
'lahat naman tayo masasaktan ngunit ipagdadamot ko pa ba sa aking sarili ang kakarampot na kaligayahan?'
Makasakit man ng labis, ngunit sa iyong piling pa rin ang aking nais.
Lumuluha man ako pansamantala, sayo pa rin ako lumiligaya.
0 Comments