Pinagtagpo't Pinagkasundo sa Maling Panahon



Minsan talaga may mga taong pinagtagpo at pinagkasundo sa maling panahon.

Hindi naman nagtagal tunay na kaligayahan naman aking naramdaman. 

Hanggang sa muling mapagbigyan ng pagkakataon na mga landas nati'y magsalubong. 

Sa ngayon idaan na lang sa ngiti ang pait ng  pamamaalam na sumandali.






This is a letter to a stranger that is not so strange.

Nakilala kita sa hindi sinasadyang pagkakataon. Mula sa magkaibang mundo ni minsan di sumagi sa isip ko na magkakaroon. Pumunta ako sa lugar na malayo kung saan wala akong alam ni hindi alam kung saan tutungo, hindi alam kung saan paparoon. Nais ko lang ay magkaroon ng masayang bakasyon. Ngunit isang araw bigla kang dumating. Hindi ko naman sinasadaya na makilala ka. Di ko rin inaakala na magiging masaya akong kasama ka. Sa saglit nating magkasama pakiramdam ko ay tila ang tagal na nating magkakilala. Sa mga kwento mo ako ay namangha at tuluyan akong humanga. Binigyan mo ko ng isang araw na nagmarka sa puso ko at hindi na mawawala. Ayaw ko na sanang matapos ang araw na ito. Ayaw ko na sanang tayo ay magkalayo. Sapagkat sa paghihiwalay ng ating landas lahat ng ito ay matatapos. Sa pagdating ng bukas lahat  ay magwawakas. Babalik na tayo sa ating kanya kanyang buhay kung saan ako ay di mo kaugnay. Maaring ang lahat ng ito sa iyo ay maliit na bagay. Ngunit nais kong sayong ipabatid ang aking taos pusong masasalamat. Kung sakaling  ikaw ay abutin yaring liham, pangako na walang makakaalam. Sasarilinin ko na lang ang lahat habang nagdarasal na sanay muli kitang masilayan sa panahong maaari na ang lahat.

















#nocturnalsaint #UlikbaDiaries #BiyaherongNoypi #NeverStopExploring #LostInPh #The_Ph #travelblogger #TravelPH #TravelPhotography #TravelDiary #travelling  #TravelingPinoy  #wanderlust



















Please Consider liking Ulikba Diaries for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint






Post a Comment

0 Comments