Paglaya, Pag-ahon






Sa selebrasyon ng araw ng kalayaan, atin itong ipagdiwang kasabay ng pagpapalaya sa pusong pagaw  at sugatan.

Panahon na upang sukuan at bitawan pag-ibig na kailanman ay hindi masusuklian.

Oras na upang alisin ang tanikala ng mga bagay na ating inaasahan, gayong hindi na ito maisasakatuparan.

Burahin ang mga bigong pangarap na siya ay muli pang makasama at makapiling sa kinabukasan.

Pahiran na ang mga luhang sa maling tao ay nasayang.

Kahit ikaw ay nasasaktan, pilitin mong umahon mula sa pagkakalunod sa karagatan ng kalungkutan.

Ikampay ang mga kamay, ipadyak ang mga paa ng buong lakas. Lumangoy ka’t mararating din ang pampang ng pag-asa.

Makikita mong hindi pa pala ito ang katapusan. Ang pighati na ngayon at nararamdaman ay panandalian lamang.

Ang sakit at kalungkutan ay mapapawirin sa takdang panahon ng hangganan.

Doon sa dalampasigan muli ay magsimula ka. Lingunin ang layo ng pinanggalingan at makikita mong tunay na malakas ka.

Muling buohin ang sarili sa pansamantalang pagkasira. Sa huli, malalaman mong hindi mo siya kailangan upang muling sumaya.

Ibulong sayong sarili at sabihin mong, “Hindi ka nagkulang at sa kanyang paglisan, hindi siya kawalan.





Follow @AngPasumala online Webwww.pasumala.com  Facebook@AngPasumala | Twitter@AngPasumala Instagram@AngPasumala

Post a Comment

0 Comments